Alaala ng dati kong rosas


Aawitan ko ang bawat tag-araw, tag-lagas at tag-ulan,
Aaliwin ko ang aking sarili sa piling ng araw, bituin at buwan.
Hangga’t wala ka’y saglit akong makikipag-awitan sa mga bulaklak sa halamanan.

Pipitasin ko sa mga rosas ng mga masasayang alaala,
Ibubugkos ko ang mga taludtod ng aking pangungulila,
Puputulin ko ang mga tinik pagkat sa piling ko’y wala ka na,

Nang di na masugatan ang aking daliring wala pang kuko,
Sa aking balat at palad na punong – puno ng kalyo,
At ang pagdaloy ng dugo’y di na umabot pa sa ‘king braso’t siko

Titipunin ko ang mga rosas hangga’t sa ‘king alaala sila’y malanta,
Hahayaan ko ang talulot nila’y mahulog’t malagas isa-isa,
Gagawin ko iyong palaman sa mga letra ng aking susulating tula,

Akin ‘kong isasalansan ang bawat kulay’t hugis ng mga talulot,
Iipunin ko sa aking mga tula upang di maluma’t malukot,
Upang sa bawat pahina ang alaala mo’y di malimot-limot.

Like this poem on Facebook: https://www.facebook.com/notes/karl-gerald-sarmiento-saul/alaala-ng-dati-kong-rosas/463398719220
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s